12.31.2005

wagi!!!

at last.. wow. before the year ends, nalaman ko na ang sagot sa tanong na sumulpot nung december 21, 2005 sa tipar kila stef.

sampung araw rin akong napuyat para dito.

some acknowledgements:

sa 4n classmates-- sa effort, at sa pagtulong na makuha yung sagot.

sa friendster-- sa bulletin board niya. dito ko na-post yung tanong na nakatawag pansin sa ilan.

sa blog na 'to-- where i can post the answer.

sa isang gradeschool friend-- jerome javaluyas. siya ang nagbigay ng kasagutan.wow. thanks talaga.

at kay MAJISA MARTIN. ang siyang inspirasyon ng lahat ng ito. miss na kita.


12.24.2005

greatest christmas gift

i've been thinking weird lately. parang pi-ne-pressure ko yata ang sarili ko. ang weird ko. feeling ko im becoming too late to do things on time. i became "emotionally" sick for the past few days and im glad im starting to move on.

ang hirap pala ng ganung feeling, specially if you're being hard on yourself. i acted weird, i thought weird, and worst... i hurt myself.

salamat sa mga taong nanjan. salamat sa concern ninyo. but you know what, na-realize ko na the greatest person na makakatulong sa akin is yung sarili ko rin. i need to love myself. well, i do. i really do. sa sobrang love ko sa sarili ko, i had set so much standards and qualifications that i forgot to appreciate what i have. ang weird. i dont like a person na sobrang perfectionist, but it turned out na i am a perfectionist myself... sa sarili ko pa.

ang galing ni Lord. on the brighter side of this situation, i have learned that i really cannot boast anything to Him. im not perfect.. so is everybody. we are designed this way and what we need to do is to accept our great points as well as our failures.

mahal kita sarili ko. the greatest gift i can give you is my appreciation. i love everything in me. my good points. my failures. without them, i cannot be "me".

*thanks dude for these points. ang dami kong napulot.*

12.22.2005

krismas tipar kila stef






ayan. nakita ko na muli ang mga friendships ko nung hayskul. kahit hindi lahat andun, ayos lang. sobrang namis ko kayo.

haha. salamat sa mga dala nating pagkain. nagkaroon tayo ng "dessert party". haha. muntik ng puro matatamis ang dalhin natin ah.

seryoso namis ko kayo. nakakatuwa, ang tagal na pala nating 'friends'. haha. parang si salvatierra, aka "cyst" na eleven years ko na palang kaibigan. i cant imagine.

andaming napag-usapan kahapon. news. updates. trivia. pero one thing remains a mystery...

ANO NA NGA PALA YUNG LAST NAME NI MAJISA?!!

pag alam mo, sabihin mo na sakin. kahapon pa ko hindi nakakatulog.

12.17.2005

nyaks!

nyaks!

minsan di ko na alam gagawin ko. natambak na pala.

pag ganito man, gusto ko na lang sabihin palagi ang salitang nyaks!

nyaks!

minsan pag may korning bagay, nasasabi ko nalang.... nyaks!

nyaks!

ang sarap pala ng singlehood. pag ganito man, gusto ko lang sabihing.. nyaks! nag-eenjoy ako.

nyaks!

may bago akong crush. pag ganito, nasasabi ko nalang.. nyaks!

nyaks!

lately parang may common factor yung nagiging tipo ko sa isang guy. nyaks!

crush ko si mig ayesa. crush ko si constantine ng american idol.

nyaks!

ang kerni ko na. nyaks.

12.10.2005

muli tayong nagkasama...

12.9.2k5 1:14am

dumating ka na muli. una mo na naman akong pinasaya nung bday ko. muli mo na namang binigyang kulay ang araw na yun. ewan ko ba kung bakit gustong-gusto kita. buong puso kong inaamin sa lahat na hindi buo ang taon ko kung hindi kita makakasama. oo, TAON. okey lang sakin kahit isang beses mo lang ako bigyan pansin sa isang taon. kahit isang beses mo lang ako dadalawin at bibigyan ng regalong isang taon kong hinintay.

nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hinayaan Niyang magkakilala tayo. kilalang-kilala mo ko. i believe, hanggang ngayon, at habambuhay. masaya ako sa piling mo, specially last year. marami kang hinatid na ngiti sa mukha ko, at kagalakan sa puso ko. sinimulan mo yun nung hinayaan mo akong makasama ka nung bday ko. binigay mo halos ang buong araw mo para sa akin. masaya ako nun sobra, kahit akala mong hindi.

then after almost a week, binigay mo sa akin muli ang pagkakataong mag-enjoy sa araw na iyon, actually, gabi yun. salamat sa pagsama mo. walang kasing saya. iniiba mo talaga ang bawat araw ko. everyday is a normal day for me, but you certainly make the difference.

then comes another day. mga isang linggo rin yata ang nakalipas nun. hinayaan mo akong samahan ka sa isang gabi na espesyal para sa iyo.. siguro.. pinanood ko ang kagalakan mo. PROUD ako sayo nun, alam mo ba? di nga lang ako makakilos ng maayos dahil naiisip ko yung ibibigay mong araw bukas.. Finals ko kse, pero salamat pa rin sa maayos na mong pagsama hanggang sa pag-uwi. thank you for the wonderful night.

the next day, naglaan na naman tayo ng oras para sa isa't-isa. salamat dahil hindi mo 'ko pinapalungkot sa araw-araw. masaya ako ng sobra. binigyan mo pa ko ng regalo. it was simple pero hindi mo lang siguro alam kung paanong pinasaya ng simpleng regalo mo ang simpleng buhay ko. ang galing. magkasama tayo sa isang gabing punong-puno ng liwanag at kagalakan. salamat sayo. salamat dahil ipinadama mo sa akin ang mga yakap at mga halik mo. salamat.

hindi ko lang alam kung kelan mauulit ito. pero salamat dahil bawat taon alam kong makakapiling kita. salamat sayo, DISYEMBRE.. mahal na mahal kita. salamat dahil dumating na naman ang unang araw mo na nagbigay karagdagan sa buhay ko. salamat dahil every year dumarating ka.

marami akong masasayang moments with you. hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit na ano mang buwan. thanks for the cool and warm mornings that hug me, and to the cold but soft breeze that kisses me.

Disyembre na naman. i have exactly one month to be with you.. and your MEMORIES.

for the joys. for the pains.

thanks for everything. you will always be remembered.

12.07.2005

babalikan kita...


people definitely need some break. lalo na pag kelangan niyang mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay. yung tipong kelangan niyang maghanda para sa isang malupit na desisyon.

kagaya ko. naadik ako sa pagkakaroon ng "break". may pinag-iisipan kase ako. nagpunta ako ng probinsiya ng dalawang araw. ang saya. ibang-iba ang ugali ng tao, ang paligid, ang hangin.. (hangin?!).. pero totoo, iba talaga doon..

dalawang araw nagprobinsiya, dalawang araw nagbakasyon, dalawang araw ng kapayapaan ng sarili. marami akong iniisip. andami kong dapat ayusin. sa dami ng iyon, diko alam kung pano magsisimula. ang sarap sa probinsiya. ang sarap mag-unwind sa isang very cool and awesome place.

everytime i see the majestic mountains, the fresh leaves of the branches, the feel of the soft breeze kissing my face... when i see the people, when i see the view of the city from the mountain top,.. i cant help but to think about God's mighty hands and thank Him for those unappreciated things.

siguro ganito lang talaga ako ka-amazed sa creation kase i tend to take them for granted kase existing na sila. yung tipong i wont even take time to stop and stare at those sovereign most-of-the-time unappreciated works of nature. ang ganda-ganda talga dun. parang gusto ko tuloy dun manirahan muna for a while.. or yung tipong nais kong pumasyal dun every now and then para tumambay, lalo na pag gusto kong mag-unwind. binabalak kong bumalik dun, at sa mga iba pang parte ng pilipinas. kahit mag-isa, gagawin ko yun. susulat ako ng mga awit, pagmamasdan ko ang paligid, haharanahin ang mga puno, sisigaw sa bundok, bubulong sa hangin at pilit na yayakapin ang malawak na kawalan hanggang sa mapukaw niya ang aking saloobin at hilig.

huwag kang mag-alala... babalikan kita..

12.02.2005

bente na ko....



huwaw! trulala hindi na ko bata. har har.. naging masaya naman ang berdey ko, unang berdey na hindi na ko estudyante. hehe. nagmamature-matyuran.

yesterday was awesome, thanks to my friends! yey! there were 3 celebrations...



1st....

salamat kila patchay at bechay! wohoo! eksaktong alas dose nagkaroon ng handaan. 6pieces of corned beef- pan de sal topped with number candels. instant keyk! thanks thanks!


2nd...

it was really nice of my kuya and ate to take me to italiani's.. kasama pa sila miko and dalvi... namis ko sila ng sobra..

3rd..

on our way home, tumawag si danier at nagtanong kung nasan ako. it was quite a long phone call and i was waiting for him to greet me. aba! wala man lang bati. i thought he forgot. pagdating ko sa bahay, andun siya with lauren, baby yna, rikki, teyps cd and cassette, and jet. huwaw. i didnt expect that. galing sobra. the effort! nakakaiyak. ako'y nahipo at nagalaw. ( i was touched and moved). cool. astig talga.

thank you Lord for everything. salamats sa mga prenships. you know my prayer, God. ngayon pa lang, SALAMAT.