12.07.2005

babalikan kita...


people definitely need some break. lalo na pag kelangan niyang mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay. yung tipong kelangan niyang maghanda para sa isang malupit na desisyon.

kagaya ko. naadik ako sa pagkakaroon ng "break". may pinag-iisipan kase ako. nagpunta ako ng probinsiya ng dalawang araw. ang saya. ibang-iba ang ugali ng tao, ang paligid, ang hangin.. (hangin?!).. pero totoo, iba talaga doon..

dalawang araw nagprobinsiya, dalawang araw nagbakasyon, dalawang araw ng kapayapaan ng sarili. marami akong iniisip. andami kong dapat ayusin. sa dami ng iyon, diko alam kung pano magsisimula. ang sarap sa probinsiya. ang sarap mag-unwind sa isang very cool and awesome place.

everytime i see the majestic mountains, the fresh leaves of the branches, the feel of the soft breeze kissing my face... when i see the people, when i see the view of the city from the mountain top,.. i cant help but to think about God's mighty hands and thank Him for those unappreciated things.

siguro ganito lang talaga ako ka-amazed sa creation kase i tend to take them for granted kase existing na sila. yung tipong i wont even take time to stop and stare at those sovereign most-of-the-time unappreciated works of nature. ang ganda-ganda talga dun. parang gusto ko tuloy dun manirahan muna for a while.. or yung tipong nais kong pumasyal dun every now and then para tumambay, lalo na pag gusto kong mag-unwind. binabalak kong bumalik dun, at sa mga iba pang parte ng pilipinas. kahit mag-isa, gagawin ko yun. susulat ako ng mga awit, pagmamasdan ko ang paligid, haharanahin ang mga puno, sisigaw sa bundok, bubulong sa hangin at pilit na yayakapin ang malawak na kawalan hanggang sa mapukaw niya ang aking saloobin at hilig.

huwag kang mag-alala... babalikan kita..

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

cool. na-miss ko si aling maria at ang mga bayogo. haay apol... sama 'ko.

9:38 AM  

Post a Comment

<< Home