huwew. tambay ako.
nyaks. i've been unemployed for exactly 50 days now. for the past days, andito lang ako sa bahay. feeling ko tuloy isa na ko sa mga cast sa loob ng bahay ni kuya, kulang na lang mga cameras. hindi rin kase ako gaanong nakakalabas. kahit bumili ng suka o chichirya sa labas, hindi ko ginagawa. nyaks. kaya tuloy kapag nakaalis-alis ako once in a while, tumutulo laway ko.
but on the other hand, i had the chance to take time and pay attention to these things na i tend to take for granted before. lalo pa't "busy" ako nun.
1. naaalagaan ko ang dad ko. -cool to. nung bata ako, ayaw na ayaw ko talaga ang maging "nurse" paglaki ko. but now, im turning to be one. haha. blood pressure dito, pulse rate doon, medicines, etc... :-)
2. nalilinis ko kwarto ko. --haha. my everdearest. kwarto para sakin. bodega para sa iba.
3. nakakapag-exercise ako. --nyaks. pangarap ko tlaga ang pumayat pa. dati, isang panaginip lang ang mkapag-ehersisyo sa umaga o kaya sa gabi. hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakatulog para mapanaginipan ito. puro idlip palang.
4. nakakapag-friendster ako. --isama mo na rin ang blog. huwaw. computer all day. except na lang pag kelangan ng mag-duty kay papa.
5. nakakasama ko ang cast ng noontime show. --everyday to. nyikes. kabisado ko na ang mga segmets nila. sa eat bulaga, MWF "kayang-kaya mo to", TTH naman, "todo knock-out" plus mr. pogi, bulagaan, pinoy henyo at laban o bawi na may bago ng format. minsan manood rin kayo ng wowowee.
6. nangungutya ako ng tibi komersyals. --well, i commend those commercials na "well thought"... yung iba parang napadaan lang and hindi patok. mas enjoy pang manood ng mga pang-uutong ito minsan, kaysa sa tunay na palabas.
7. movie marathon to the max-- ngayon ko lang na-appreciate ang mga movies sa hbo, cinemax, starmovies, at isama mo na rin ang cinema one. kahit korni pinapatos ko na rin.
8. nakakapag-save ako ng conditioner, gel, at hair cream. --kung paano ko to nagagawa, hindi ko na sasabihin. basta. secret ko to.
9. nalalaman ko kung ano ang gusto ko sa pyutyur partner. --nyaks. this may sound kerni pero totoo. huwaw. naeeksayt tuloy ako sa ibibigay ni Lord sa akin pagdating ng panahon. im very much willing to wait for him. masaya to pag nagkataon. im enjoying singlehood ngayon and i dont know how happy im gonna be when that time comes.
10. nakakapagmuni-muni ako at tumutulala. --dahil marami-rami akong free time, marami-rami rin akong mga naiisip. kung ano ano. at masaya to.
nyikes. cant wait for my 100th day of unemployment. wala pa kong balak magtrabaho ulet dahil gusto ko pang madagdagan ang listahan ko ng mga pwedeng mgawa ng isang tambay sa bahay.
2 Comments:
huwew babaeng tambays... ang alam ko sa mga tambay eh lumalaki ang tiyan.. hahaha. inpernes, pwede ka na sa bahay ni kuya. harhar...
inggit ako. pangarap ko ang maging tambay someday, kahit 100 days lang. :-)
Post a Comment
<< Home