1.14.2006

it's about time

it's about time. ketagal ko na ring hindi pa ulet nakapagsulat. andami ko sanang naiisip, pero nakakatamad magtype. susulatin ko na lang muna sa papel. abangan niyo na lang yung libro ko.

nung isang araw napanood ko yung kapitbahay naming sumali sa eat bulaga. laban o bawi. nakakatuwa naman. nasa tv siya. pangarap ko rin kaseng makita sa tv eh. o kaya marinig sa radyo. o kaya ma-publish sa dyaryo.

ang galing niya. umabot siya sa final three. habang pinapanood ko siya, naririnig ko yung mga kapitbahay naming kapamilya niya na nagsisigawan at naghihiyawan sa tuwa at eksaytment. huwew. nakaktuwa. kahit ako, na-eeksayt. at inaamin kong isa rin ako sa mga nagdadasal na sana siya ang umabot sa jackpot.

pero kung iisipin ko... ni hindi ko nga alam ang tunay na ngalan ng kapitbahay namin na yun. oo, nakikita ko siya halos araw-araw dito sa kalye namin, pero hindi ko naman siya nakakausap. hindi ko rin siya kabatian. pero nung nanood ako ng laban o bawi, nalaman ko yung totoong ngalan niya at doon ko lang naisip na hindi pala kame "close". hehe.

nanalo siya. siya yung umabot sa jackpot round pero hindi isang milyon yung napanalunan niya. tama lang. carry lang.

pag-uwi niya dito samin, narinig ko ang ibang mga kapitbahay na nakikipagkwentuhan sa kanya. ang lakas ng boses nila. parang gusto ko na nga ring makisali sa usapan nila, para naman nagkaroon ako ng chance makipag-usap sa isang "celebrity". kahit ng baranggay lang.

nung gabing iyon, instant tipar sa kanila. kinabukasan, ilang kahon ng beer ang nasa garahe nila. ayos.

sasali rin ako sa laban o bawi para magpaparty rin ako pagkatapos.

i can name all.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home