muli akong napadpad sa eskwelahan ko simula elementary hanggang highschool. feeling ko instant celebrity kase ako lang ang hindi naka-uniform. ganun talaga. malakas makahatak ng pansin.ganun pa rin naman halos ang itsura, pero marami-rami na rin ang nagbago. wow. habang naglalamyerda ako sa loob, feel na feel ko yung mga oras na naka-uniporme pa ako, kasama ng mga kaklase ko, nag-aaral sa ilalim ng puno, tumatambay, naglalaro, kwentuhan.. pati yung feeling ng "natatakot" sa mga guro.nagutom ako habang naglalakad-lakad kaya naisipan kong magpunta sa canteen. dalawa yung canteen sa skul namen. isang pang-hayskul, isang pang-gradeskul. naaalala ko, BAWAL DAW ANG MGA HAYSKUL SA CANTEEN NG MGA GRADESKUL, AT BAWAL RIN ANG GRADESKUL SA CANTEEN NG HAYSKUL.. kalokohan. ang dami nga namang mga BATAS na nananakot sa atin nung bata tayo. pag naaalala ko yun ngayon, hay nako. natatawa na lang ako. katulad na lamang nung "canteen rule". kalokohan yun. pano kung crowded na sa hayskul canteen o kaya wala dun yung tipo mong kainin, titiisin mo na lang bang huwag kumain, huwag lamang umapak sa teritoryo ng canteen ng gradeskul? hay nako.oo nga naman no.. naisip ko, nung nasasakop tayo ng isang institusyon, kabadong-kabado tayo. ewan ko lang sayo, pero nung bata ako, takot ako sa mga guro ko. parang ayaw kong magagalit sila sa akin, lalo na yung pag-iinitan ba.. siguro kase gusto kong magkaroon ng magagandang grades, pero di ako sipsip.
madaya lang. tayong mga estudyante, nakikilala pa naten yung mga guro naten kahit tumanda na tayo. may tatak sila sa utak naten. pero sila kaya, maalala pa nila tayo? siguro. kung may tatak ka rin sa utak nila. may dalawang klaseng tatak. isang maganda at isang masagwa.
yung magandang tatak siguro eh yung tipong umaangat ka sa klase, magaling ka sa subject, sipsip ka sa guro, binibilhan mo siya ng meryenda at nireregaluhan tuwing teachers' day at pasko. yung isang tipo naman ay yung mapang-insultong estudyante, mahilig manloko ng guro, hindi pumapasok at masamang damo ng klase.
wala yata akong naiwang tatak sa mga guro ko. yung iba nakikilala pako. yung iba hindi. ewan ko na lang kung pilit na nila akong kinalimutan o ano man. pero naaalala ko, may naiwan kakong tatak sa isang guro ko nung 4th year. hindi lang siya ordinaryong guro. assistant principal rin namin siya.
pinagalitan niya ko sa isang nakakatawang dahilan isang beses sa klase. after ng subject niya, nagpunta ako sa cr kasama ng dalawa pang kaklase. nag-usap kame tungkol sa nangyari. takang-taka kase ako kung masama ba yung nagawa ko. wow. pagbalik ko sa klasrum, may sinabi sa akin yung class president namin...
"alps, tawag ka ni mrs. _____ sa office niya"...
nyikes! bakit kaya?!
pagpasok sa office mabait pa ko...
"hi miss. bakit po?" (naka-smile ng may kaba)
"... i heard you sa cr kanina... blah blah.. gusto mo ipagsabi ko rin ito sa iba mo pang teachers?! blah... blah...."
kinabukasan, alam na ng ibang guro ang nangyari. wow.
kung may naiwan akong tatak sa kanya noon, bakit hindi niya ko pinansin nung napadpad akong muli sa skul na yun nung isang araw lang? siguro di na niya ko nakilala. baka nag-iba na yung mukha ko. niyahaha.
buti pa si manong sa canteen ng gradeskul. yung nagluluto ng hotdog. nakilala niya pa ko. astig siya. i spent my lunch time sa pwesto niya, kwentuhan galore. saludo ako sa mga katulad niya. nakikilala niya pa rin yung mga estudyanteng nag-aral doon. natuwa naman ako dahil may naiwan pala akong tatak sa kanya.
wow. kahit siya, may naiwang tatak sa akin. pag-uwi ko, may talsik ng mantika ng hotdog yung damit ko. tenkyu po kuya manong.